3/30/12

Eternal Alvin

Kung may #1 akong mamimiss sa IB, iyon si Lab Instructor. Kahit sa sobrang ilang ko sa kanya madalas pag makakasalubong ko siya, hindi ako nagha-"hi sir" tulad ng mga kaklase ko.  Madalas dinadaanan ko lang siya. Kung titingin siya, magha-hi ako. Kung hindi, edi hindi. Hindi ko lang talaga magawa. Buti hindi siya tumitingin. Minsan kunyari di ko siya nakita. Minsan nagtatago ako pagpalapit siya. Kinawayan ko lang siya isang beses. Kumaway din naman siya. 

Mabait siya sa'kin sa klase. Mas mabait sa'kin kesa sa mga kaklase ko. Tuwing nagtatanong ako tungkol sa hinahanap na structures sinasagot niya agad. Malamang dahil napansin niyang hindi ako sumasali sa iba at yung lab partner ko lang talaga ang pinaka kinakausap ko. Pag yung mga kaklase ko ang nagtatanong, sinasagot niya ng "I don't know," at kung anu-ano pa sa mga pang-asar niyang tono bago siya sumagot nang matino kung sasagot man siya nang matino. Pero every now and then iniisa-isa niya ang mga pair para itanong, "How are you doing?" At nung una, kapag kami na ang tinatanong, si Lab Partner lang yung sumasagot. Hindi talaga ako makapagsalita eh. Pinapanood ko lang sila.

Kapag may exam kami, tuwang-tuwa siya na pahihirapan daw niya. Sayang naman daw ang aming katalinuhan kung dadalian nila. At bilang matatalinong mag-aaral, halos hindi kami makapasa. Ganun naman daw talaga dapat. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ko siya mamimiss. Kundi ang mga sumusunod.

















Sa sobrang korni niya, nakakatawa. Pero may paraan siya ng delivery na nakakatawa. Tapos tawang-tawa rin siya sa sarili niya. Tapos tuwing may tinuturo siyang bago sa'min, habang inaabsorb namin kung anuman yun, may sound effects pa siya eh, "Woooooh! Amazing." with matching hand gestures. Tapos yung ibang hirit niya iistorbohin pa talaga niya kami kunyari may importanteng sasabihin. At ankyut lang kasi siya yun. Siya yung tipo ng tao na kung makakasalubong mo sa labas mukhang matalino at sobrang seryoso. Bago ko pa siya maging instructor, nakikita ko na siya at di ko akalain na ganyan siya kakulit. Unang beses narining ko siyang magsalita nung sem na muntik na akong ma-underload. Nagmamakaawa ako nun kay Sir Ian para sa bio subjects na kasya sa sched ko at walang ibang pre-req nang may nagtanong na bio major, "Sir, pwede bang mag-bio 1 ang bio majors?"  Si Sir A ang sumagot sa nakakatawang mapangutya niyang tono, "Of course not!"

Ang parting words niya every meeting, "If you're done cleaning, you may get out now. Everyone get out now!" Yung last sentence uulit-ulitin niya hanggang magsialisan kami. May minutes of pause naman sa pagitan. Ang parting words niya nung last day namin ng 102, "I sincerely hope from the bottom of my heart never to see any of you again. So please pass the finals."  

Nung finals namin, yung true or false part, kung tama ang mga sagot ko, puro true yung simula at sa bandang dulo puro false. Tingin ko siya gumawa nun. 

Pero actually, kung kailangan kong umulit ako ng 102, okay lang sa'kin basta siya ang lab. Mas okay din kung siya na rin sa lec. 

Pero hindi na eh. Mamimiss ko siya.


No comments:

Post a Comment