Transcription attempt from memory. Yata. Verbatim mula sa aking sinaunang notebook.
Marami na ang nangangarap na marating ang Kaharian ng Araw. Ito ay sapagkat sinasabi na sa kapirasong langit-lupang ito ng walang hanggang liwanag ay namumukadkad raw ang pangako ng walang patid na kaligayahan, kasaganahan at tagumpay. Ang pangakong ito ang umudyok sa karamihan na lumisan at maglakbay tungo sa malayong kabundukan at karagatan upang doon ay hanapin ang mailap na kaharian ng pinakamimithing tagumpay ano pa man ang maging kapalit nito.
At ito ang pangarap na naging matimbang para kay Ponce nang iwanan niya ang kanyang mga magulang at iba pang mahal sa buhay upang hanapin ang Kaharian ng Araw. Kasama niya sa paglalakbay ang kaibigan niyang si Paolo. Para kay Paolo kahibangan ang ginawang pag-iwan ni Ponce sa mga magulang at kaibigan upang habulin ang kanyang pangarap sapagkat wala namnag nakakatyak kung saan at kung ano ang kanilang sasapitin sa Kaharian ng Araw. Ang nakikitang niyang pinakamahalaga sa kanilang buhay ay ang kwintas ni Ponce na matagal na pinag-ipunan ng kanyang ina: ang gitara na pamana kay Paolo ng kanyang yumaong magulang: at ang kanilang pagkakaibigan na siyang dahilan ni Paolo kung bakit patuloy niyang sinasamahan ang kaibigan sa kabila ng pagtutol.
Apparently, hindi pa ako marunong gumamit ng colon at comma nung grade 2.
No comments:
Post a Comment