Pagdating doon sa dating guidance office na maraming laruan, una kong napansing nag-iba yung ayos. Pinapasok ako nung babae sa isang enclosed na bahagi ng room na ang laman lang ay isang mesa, isang upuan, at yung blackboard na nakadikit sa dingding. Doon sa mesa, may nakapatong na bell-- yung bell sa mga diner sa TV-- at school supplies: lapis, eraser at sharpener ata. Parang may ruler pa. Hindi ko na maalala. Tapos tinanong ako nung babae kung ano yung pinaka gusto ko doon, at yung least kong gusto. Hindi ko maalala kung anong sagot ko. Basta sabi niya, may kukunin lang siya sa labas ng kwarto at antayin ko siya. Kapag naantay ko siya, makukuha ko yung pinaka gusto ko. Kapag ayoko na maghintay, i-ring ko daw yung bell pero ang makukuha ko ay yung least kong gusto. Tapos umalis na muna siya.
Ako naman na walang kamalay-malay ay nag-antay lang habang naririnig ko yung plastik na kumakaluskos sa side ng room na hindi ko nakikita. Yun siguro yung babae. Kung anu-anong pinaggagagawa ko nung napagod akong umupo. Kinausap ko yung sarili ko. Tumayo ako sa upuan. Inabot ko yung blackboard. Nagpanggap akong teacher. Tinitigan ko yung parang malabong salamin na nakadikit sa parang divider. Hinawak-hawakan ko yung mga nasa table pati yung bell. Nangulangot. Nagtataas ng palda. Sumayaw. Nagkamot-kamot. Nagpanggap akong si Jenny na buhat kunyari ni Eugene. Sa huli, nakuha ko yung gusto ko.
Naaalala kong nangyari rin sa araw na iyon (pero hindi ko maalala kung nauna ba ito o yung pagiging subject ko) ay yung narinig ko si Ileng na nagkukwento sa mga kaklase namin na hindi ko maalala kung naging subjects na rin. Sabi ni Ileng, pinagpalit niya daw yung pinaka gusto niya at yung least na pinaka gusto niya para hindi na niya kailangang maghintay nang matagal para makuha ang gusto niya.
Napagtanto ko makalipas ang ilang taon na baka two-way mirror pala yung salamin.
parang may naalala nga akong ganito noon... kaso di ko maalala kung anong ginawa ko. At ang wais ni ileng!
ReplyDeleteNatawa ako doon sa "baka two way mirror yung salamin".
Bata pa lang pala ganun na siya e. Haha.
DeleteAt tinitigan ko talaga yung salamin! Kakaiba.
ReplyDelete