11/20/12

Joa at Jimmy

Habang naghahanap ng text jokes sa luma kong text notebook (courtesy of Ate Liit), nakita ko ito at naalala. . .

11/15/12

May Babaeng Colorblind

Hindi ko alam kung anong sinabi ng aming magiting na hayskul bio teacher (o baka st) kaya mula second year ata dala-dala ko (at ng mga kabatch ko rin ata) ang paniniwalang walang babaeng colorblind dahil carrier lang sila. Pero meron, meron, meron. Nashock tuloy ako nung nag-Bio 12 ako.

10/31/12

The Tale from Chicken Shit

Many years ago, perhaps before high school, I found this book in a cousin's room entitled Chicken Shit for the Soul. Curiously, I scanned its table of contents, picked an interesting story title and read the story. It haunts me to this very day...

10/27/12

Honor Code

Grade one ako noong binitiwan ko ang natitirang kasinungalingang na hindi ko pa rin inaaming kasinungalingan hanggang ngayon. Dahil kay Freud, hindi ko alam kung maniniwala sila sa'kin kung sasabihin ko ang totoo.

10/15/12

Bakit Pinalayas ni Sarah si Hagar?

During a very rare, accidental biblical discussion, my mother asked me that question. She supplied an answer that I didn't remember reading so I looked it up. Genesis 21:8-13. In different translations.

9/28/12

Si Ileng at ang "Marshmallow Test"

May mga college students na nag-experiment sa'min nung grade one ata o grade two. Habang klase, pinapunta kami doon sa guidance office na maraming laruan sa dating building ng kinder, one at a time. Hindi ko maalala kung may sinabi yung experimenter na secret lang namin yung pinagawa. Parang may ganoon. May sense kung may ganun.

Pagdating doon sa dating guidance office na maraming laruan, una kong napansing nag-iba yung ayos. Pinapasok ako nung babae sa isang enclosed na bahagi ng room na ang laman lang ay isang mesa, isang upuan, at yung blackboard na nakadikit sa dingding. Doon sa mesa, may nakapatong na bell-- yung bell sa mga diner sa TV-- at school supplies: lapis, eraser at sharpener ata. Parang may ruler pa. Hindi ko na maalala. Tapos tinanong ako nung babae kung ano yung pinaka gusto ko doon, at yung least kong gusto. Hindi ko maalala kung anong sagot ko. Basta sabi niya, may kukunin lang siya sa labas ng kwarto at antayin ko siya. Kapag naantay ko siya, makukuha ko yung pinaka gusto ko. Kapag ayoko na maghintay, i-ring ko daw yung bell pero ang makukuha ko ay yung least kong gusto. Tapos umalis na muna siya.

Ako naman na walang kamalay-malay ay nag-antay lang habang naririnig ko yung plastik na kumakaluskos sa side ng room na hindi ko nakikita. Yun siguro yung babae. Kung anu-anong pinaggagagawa ko nung napagod akong umupo. Kinausap ko yung sarili ko. Tumayo ako sa upuan. Inabot ko yung blackboard. Nagpanggap akong teacher. Tinitigan ko yung parang malabong salamin na nakadikit sa parang divider. Hinawak-hawakan ko yung mga nasa table pati yung bell. Nangulangot. Nagtataas ng palda. Sumayaw. Nagkamot-kamot. Nagpanggap akong si Jenny na buhat kunyari ni Eugene. Sa huli, nakuha ko yung gusto ko.

Naaalala kong nangyari rin sa araw na iyon (pero hindi ko maalala kung nauna ba ito o yung pagiging subject ko) ay yung narinig ko si Ileng na nagkukwento sa mga kaklase namin na hindi ko maalala kung naging subjects na rin. Sabi ni Ileng, pinagpalit niya daw yung pinaka gusto niya at yung least na pinaka gusto niya para hindi na niya kailangang maghintay nang matagal para makuha ang gusto niya.

Napagtanto ko makalipas ang ilang taon na baka two-way mirror pala yung salamin.