6/19/13

Kung Bakit Nagbabasa ng Sulat ng May Sulat

 Isang kaibigan, kamakailan lang, ang nagsabi sa’kin na sinubukan niyang magbasa ng mga liham ni Rizal. Pero hindi raw niya ito nagustuhan dahil pakiramdam niya na parang masyado na raw personal. Tinamaan ako sa kanyang pahayag. Nasaling namin ang paksang iyon habang sinasamahan ko siyang maghintay ng jeep. Dala-dala ko pa noon ang isang munting kopya ng Rizal’s Letters to His Family Members na isasauli ko na sa FilipiƱana pagkaalis niya. Mahilig akong magbasa ng ganoong mga sulatin— mga personal na sulat ng kung sinu-sino. Kung kaya’t hindi ko maiwasang makaramdaman ng pangangailangang ipagtanggol ang hilig ko sa pangangalkal ng mga tinuturing na pribadong bagay. At ito ang naging motibasyon ko sa papel na ito.