Showing posts with label 8080. Show all posts

2/14/13
Tula ng Pag-Ibig
This poem was originally written for my fourth year high school Filipino class, but later edited to comply with the word count for UP Writers' Club's 100: The Hundreds Project. This was inspired by Jose Corazon de Jesus' Pag-ibig.
Labels:
8080,
Archaeology Project,
Feeling Intelektwal,
Panitikan,
Peyups
11/20/12
Joa at Jimmy
Habang naghahanap ng text jokes sa luma kong text notebook (courtesy of Ate Liit), nakita ko ito at naalala. . .
10/27/12
Honor Code
Grade one ako noong binitiwan ko ang natitirang kasinungalingang na hindi ko pa rin inaaming kasinungalingan hanggang ngayon. Dahil kay Freud, hindi ko alam kung maniniwala sila sa'kin kung sasabihin ko ang totoo.
9/28/12
Si Ileng at ang "Marshmallow Test"
May mga college students na nag-experiment sa'min nung grade one ata o grade two. Habang klase, pinapunta kami doon sa guidance office na maraming laruan sa dating building ng kinder, one at a time. Hindi ko maalala kung may sinabi yung experimenter na secret lang namin yung pinagawa. Parang may ganoon. May sense kung may ganun.
Pagdating doon sa dating guidance office na maraming laruan, una kong napansing nag-iba yung ayos. Pinapasok ako nung babae sa isang enclosed na bahagi ng room na ang laman lang ay isang mesa, isang upuan, at yung blackboard na nakadikit sa dingding. Doon sa mesa, may nakapatong na bell-- yung bell sa mga diner sa TV-- at school supplies: lapis, eraser at sharpener ata. Parang may ruler pa. Hindi ko na maalala. Tapos tinanong ako nung babae kung ano yung pinaka gusto ko doon, at yung least kong gusto. Hindi ko maalala kung anong sagot ko. Basta sabi niya, may kukunin lang siya sa labas ng kwarto at antayin ko siya. Kapag naantay ko siya, makukuha ko yung pinaka gusto ko. Kapag ayoko na maghintay, i-ring ko daw yung bell pero ang makukuha ko ay yung least kong gusto. Tapos umalis na muna siya.
Ako naman na walang kamalay-malay ay nag-antay lang habang naririnig ko yung plastik na kumakaluskos sa side ng room na hindi ko nakikita. Yun siguro yung babae. Kung anu-anong pinaggagagawa ko nung napagod akong umupo. Kinausap ko yung sarili ko. Tumayo ako sa upuan. Inabot ko yung blackboard. Nagpanggap akong teacher. Tinitigan ko yung parang malabong salamin na nakadikit sa parang divider. Hinawak-hawakan ko yung mga nasa table pati yung bell. Nangulangot. Nagtataas ng palda. Sumayaw. Nagkamot-kamot. Nagpanggap akong si Jenny na buhat kunyari ni Eugene. Sa huli, nakuha ko yung gusto ko.
Naaalala kong nangyari rin sa araw na iyon (pero hindi ko maalala kung nauna ba ito o yung pagiging subject ko) ay yung narinig ko si Ileng na nagkukwento sa mga kaklase namin na hindi ko maalala kung naging subjects na rin. Sabi ni Ileng, pinagpalit niya daw yung pinaka gusto niya at yung least na pinaka gusto niya para hindi na niya kailangang maghintay nang matagal para makuha ang gusto niya.
Napagtanto ko makalipas ang ilang taon na baka two-way mirror pala yung salamin.
7/1/12
Sa Kaharian ng Araw
Transcription attempt from memory. Yata. Verbatim mula sa aking sinaunang notebook.
Marami na ang nangangarap na marating ang Kaharian ng Araw. Ito ay sapagkat sinasabi na sa kapirasong langit-lupang ito ng walang hanggang liwanag ay namumukadkad raw ang pangako ng walang patid na kaligayahan, kasaganahan at tagumpay. Ang pangakong ito ang umudyok sa karamihan na lumisan at maglakbay tungo sa malayong kabundukan at karagatan upang doon ay hanapin ang mailap na kaharian ng pinakamimithing tagumpay ano pa man ang maging kapalit nito.
At ito ang pangarap na naging matimbang para kay Ponce nang iwanan niya ang kanyang mga magulang at iba pang mahal sa buhay upang hanapin ang Kaharian ng Araw. Kasama niya sa paglalakbay ang kaibigan niyang si Paolo. Para kay Paolo kahibangan ang ginawang pag-iwan ni Ponce sa mga magulang at kaibigan upang habulin ang kanyang pangarap sapagkat wala namnag nakakatyak kung saan at kung ano ang kanilang sasapitin sa Kaharian ng Araw. Ang nakikitang niyang pinakamahalaga sa kanilang buhay ay ang kwintas ni Ponce na matagal na pinag-ipunan ng kanyang ina: ang gitara na pamana kay Paolo ng kanyang yumaong magulang: at ang kanilang pagkakaibigan na siyang dahilan ni Paolo kung bakit patuloy niyang sinasamahan ang kaibigan sa kabila ng pagtutol.
Apparently, hindi pa ako marunong gumamit ng colon at comma nung grade 2.

5/2/12
Mamikoh
... ang tawag ko sa kanya at Anak koh *insert u na may dalawang dot sa taas here* ang tawag niya sa'kin nung hayskul. Hindi ko na maalala kung bakit.
Isa siya sa mga unang elementary friends ko nung biglang tinambak ako sa star section at hindi pa ako nagsasalita. Grade 4, tatlo silang pinagtulungan ako sa isang bench katabi ng stage kung saan nagli-lead ng flag ceremony. Pinagtatalunan namin kung may star section sa Kinder. Isa rin siya sa mga naghinala sa'kin tungkol sa isang sulat na natanggap ng isa naming kaklase mula sa isang secret admirer. Galit na galit ako kanila.
Nabuo ang barkada namin nung grade 5, kasama yung isa pa sa kinagalitan kong nabanggit at dalawa pang kaklase. Tinawag nila ang aming grupong "berks" hango sa isang palabas sa TV na hindi ko naman pinanood. Sa kanila ko unang naranasang pumunta sa bahay ng kaklase. Sa bahay pa iyon ng babaeng ito. Sa kanila ata ako unang nakaranans na laging may kasama. Ang special place namin ay yung damuhan sa harap ng Sampaguita Residence Hall dahil doon nagpapark ang service ng babaeng ito. Pwede ring yung dating damuhan sa tapat ng Narra dahil dun naman nagpapark ang service ng isa pa sa kanila. Ako lang ang hindi nagse-service. Sa kanila rin ako unang nagtapat ng kahit anong sikreto ng buhay-- na hindi ko alam kung dapat pagsisihan dahil nakahalata si Teddybear. Sa kanila ko rin naranasang pagtulungan ang isang tao--yung gusto ni Teddybear na best friend ko pa man din. At sa kanila ko rin unang naranasang masangkot sa away dahil nag-away itong babaeng ito at yung isa pa sa'min. Hindi ko na maalala kung bakit. Basta nahati sa dalawa ang barkada, at pagkatapos magpalitan ng masasamang sulat, tuluyang namatay nung grade 6.
Ang sinasabi nila ngayong dahilan nun ay ang pag-aagawan nila sa'kin. The most absurd I've ever heard.
Nagkakasama kami pag uwian nung grade 6, habang hinihintay niya ang service niya. At hinihintay siyang umuwi ng kanyang 6-year admirer na pilit niyang iniiwasan na parang may virus.
Hayskul kami nagsimulang mag-drift apart. Nagtatampo siya sa mga bago kong kaibigang poste. Nagtatampo ako sa mga bago niyang kaibigang popular kids. Pero andun ako nung inamin niya sa wakas na hindi talaga siya nandidiri kay noong 8-year admirer na niya. Nandun din ako nang biglang may third party pala-- na gusto kong wasakin kasama na rin si admirer. Andrama lang masyado ng babaeng ito, kadiri siya magsulat gusto kong ipost.
Sa huli, nakuha niya ang gusto niya. Siya ang pinili. At ngayo'y 5 taon na sila. Doon na rin ako nawala sa eksena. Nag-barkada reunion lang minsan pagkagraduate ng hayskul sa bahay niya. Hindi na naulit. Pag dating ng college, wala na akong balita totally hanggang sa nag-fb siya. Hanggang surprise pagsasalubong na lang sa skul ang interaction namin.
Ang una pagkatapos ng maraming taon na nagkwentuhan kami as in kwentuhan ay nung first sem nitong aking fourth year. Buti na lang na-lowbatt siya at hindi ang boypren niya ang dinala sa kanya ng tadhana kundi ako at nakisaksak siya ng sim. Sa AS yun habang naghihintay ako at ang aking mga kaklase ng syllabus ng 175. Doon ko nalaman na nasa US na pala ang pamilya niya at bumalik lang siya dito para tapusin ang kanyang pag-aaral. At ngayon ko lang naalala na alam ko palang aalis siya. At ngayong graduate na kami, aalis na nga siya.
Isa siya sa mga taong may certain homey feelings ako. Kaya kung anu-anong nasasabi ko kapag kaharap ko. Feeling ko elem pa rin kami at close. At kakaunti lang silang ganun. Kahit hindi na kami nag-uusap like chummy-chummy. Di niya siguro alam yun dahil hindi ko naman sinabi kahit kelan. Isa siya sa mga laging nakakaalala ng birthday ko at nagtetext pa. Okay na yun sa'kin.
Di niya na ko malamang hinahanap tulad ng dati, may kanya-kanya na kaming buhay at andami na niyang college friends, at may career na siya, pero di niya siguro alam na sinusubaybayan ko pa siya sa fb. Pati yung kapatid niyang kamukha niya. At kahit parang wala naman talagang magbabago sa pag-alis niya kasi hindi naman talaga kami nagkikita, parang may nag-chip off na part ng puso ko nang maconfirm kong totoo na nga. Hindi ako nakatulog. Bukod sa mainit, iba pa rin talaga kasi kapag alam mong pwede pa kayong magkasalubong kung saan mang dako ng Pilipinas. Inaasahan ko talaga yun e.
Alam niya sana na naglalambing lang ako tuwing inaasar kong magbe-break na sila ng boypren niya. Ayokong mangyari yun dahil magkamukha na sila kaya sana sila na forever. Alam niya rin sana na nasa'kin pa lahat ng sulat niya at regalo simula elem--na pwede kong ipakita sa mundo kung kelan ko matripan. Sana mamiss niya ko at maalala paminsan-minsan. Pwede kaming mage-mail e-mail like penpals kung gusto niya. Sana gusto niya.
Normally, gagawin ko itong magdramang sulat na maiiyak siya sa sobrang touch. Pero dahil gusto ko rin ng kopya nito, at kawawa naman ang mga puno, at gusto kong malaman ng mundo, ginawa ko na lang third person ang pagrerefer sa kanya na parang pinag-uusapan siya sa likod niya, at ipinost sa isang public blog na kunyari hindi niya mababasa kahit ipapabasa ko naman talaga sa kanya. Sana binasa niya lahat kahit mahaba. Ganito ko siya pag-uusapan sa likod niya. Hihi.

Subscribe to:
Posts (Atom)