5/2/12

Mamikoh

... ang tawag ko sa kanya at Anak koh *insert u na may dalawang dot sa taas here* ang tawag niya sa'kin nung hayskul. Hindi ko na maalala kung bakit.

Isa siya sa mga unang elementary friends ko nung biglang tinambak ako sa star section at hindi pa ako nagsasalita. Grade 4, tatlo silang pinagtulungan ako sa isang bench katabi ng stage kung saan nagli-lead ng flag ceremony. Pinagtatalunan namin kung may star section sa Kinder. Isa rin siya sa mga naghinala sa'kin tungkol sa isang sulat na natanggap ng isa naming kaklase mula sa isang secret admirer. Galit na galit ako kanila.

Nabuo ang barkada namin nung grade 5, kasama yung isa pa sa kinagalitan kong nabanggit at dalawa pang  kaklase. Tinawag nila ang aming grupong "berks" hango sa isang palabas sa TV na hindi ko naman pinanood. Sa kanila ko unang naranasang pumunta sa bahay ng kaklase. Sa bahay pa iyon ng babaeng ito. Sa kanila ata ako unang nakaranans na laging may kasama. Ang special place namin ay yung damuhan sa harap ng Sampaguita Residence Hall dahil doon nagpapark ang service ng babaeng ito. Pwede ring yung dating damuhan sa tapat ng Narra dahil dun naman nagpapark ang service ng isa pa sa kanila. Ako lang ang hindi nagse-service. Sa kanila rin ako unang nagtapat ng kahit anong sikreto ng buhay-- na hindi ko alam kung dapat pagsisihan dahil nakahalata si Teddybear. Sa kanila ko rin naranasang pagtulungan ang isang tao--yung gusto ni Teddybear na best friend ko pa man din. At sa kanila ko rin unang naranasang masangkot sa away dahil nag-away itong babaeng ito at yung isa pa sa'min. Hindi ko na maalala kung bakit. Basta nahati sa dalawa ang barkada, at pagkatapos magpalitan ng masasamang sulat, tuluyang namatay nung grade 6.

Ang sinasabi nila ngayong dahilan nun ay ang pag-aagawan nila sa'kin. The most absurd I've ever heard.

Nagkakasama kami pag uwian nung grade 6, habang hinihintay niya ang service niya. At hinihintay siyang umuwi ng kanyang 6-year admirer na pilit niyang iniiwasan na parang may virus.

Hayskul kami nagsimulang mag-drift apart. Nagtatampo siya sa mga bago kong kaibigang poste. Nagtatampo ako sa mga bago niyang kaibigang popular kids. Pero andun ako nung inamin niya sa wakas na hindi talaga siya nandidiri kay noong 8-year admirer na niya. Nandun din ako nang biglang may third party pala-- na gusto kong wasakin kasama na rin si admirer. Andrama lang masyado ng babaeng ito, kadiri siya magsulat gusto kong ipost.

Sa huli, nakuha niya ang gusto niya. Siya ang pinili. At ngayo'y 5 taon na sila. Doon na rin ako nawala sa eksena. Nag-barkada reunion lang minsan pagkagraduate ng hayskul sa bahay niya. Hindi na naulit. Pag dating ng college, wala na akong balita totally hanggang sa nag-fb siya. Hanggang surprise pagsasalubong na lang sa skul ang interaction namin.

Ang una pagkatapos ng maraming taon na nagkwentuhan kami as in kwentuhan ay nung first sem nitong aking fourth year. Buti na lang na-lowbatt siya at hindi ang boypren niya ang dinala sa kanya ng tadhana kundi ako at nakisaksak siya ng sim. Sa AS yun habang naghihintay ako at ang aking mga kaklase ng syllabus ng 175. Doon ko nalaman na nasa US na pala ang pamilya niya at bumalik lang siya dito para tapusin ang kanyang pag-aaral. At ngayon ko lang naalala na alam ko palang aalis siya. At ngayong graduate na kami, aalis na nga siya.

Isa siya sa mga taong may certain homey feelings ako. Kaya kung anu-anong nasasabi ko kapag kaharap ko. Feeling ko elem pa rin kami at close. At kakaunti lang silang ganun. Kahit hindi na kami nag-uusap like chummy-chummy. Di niya siguro alam yun dahil hindi ko naman sinabi kahit kelan. Isa siya sa mga laging nakakaalala ng birthday ko at nagtetext pa. Okay na yun sa'kin.

Di niya na ko malamang hinahanap tulad ng dati, may kanya-kanya na kaming buhay at andami na niyang college friends, at may career na siya, pero di niya siguro alam na sinusubaybayan ko pa siya sa fb. Pati yung kapatid niyang kamukha niya. At kahit parang wala naman talagang magbabago sa pag-alis niya kasi hindi naman talaga kami nagkikita, parang may nag-chip off na part ng puso ko nang maconfirm kong totoo na nga. Hindi ako nakatulog. Bukod sa mainit, iba pa rin talaga kasi kapag alam mong pwede pa kayong magkasalubong kung saan mang dako ng Pilipinas. Inaasahan ko talaga yun e.

Alam niya sana na naglalambing lang ako tuwing inaasar kong magbe-break na sila ng boypren niya. Ayokong mangyari yun dahil magkamukha na sila kaya sana sila na forever. Alam niya rin sana na nasa'kin pa lahat ng sulat niya at regalo simula elem--na pwede kong ipakita sa mundo kung kelan ko matripan. Sana mamiss niya ko at maalala paminsan-minsan. Pwede kaming mage-mail e-mail like penpals kung gusto niya. Sana gusto niya.

Normally, gagawin ko itong magdramang sulat na maiiyak siya sa sobrang touch. Pero dahil gusto ko rin ng kopya nito, at kawawa naman ang mga puno,  at gusto kong malaman ng mundo, ginawa ko na lang third person ang pagrerefer sa kanya na parang pinag-uusapan siya sa likod niya, at ipinost sa isang public blog na kunyari hindi niya mababasa kahit ipapabasa ko naman talaga sa kanya. Sana binasa niya lahat kahit mahaba. Ganito ko siya pag-uusapan sa likod niya. Hihi.

No comments:

Post a Comment