Hindi ko alam kung anong sinabi ng aming magiting na hayskul bio teacher (o baka st) kaya mula second year ata dala-dala ko (at ng mga kabatch ko rin ata) ang paniniwalang walang babaeng colorblind dahil carrier lang sila. Pero meron, meron, meron. Nashock tuloy ako nung nag-Bio 12 ako.
Ang colorblindness ay isang X-linked recessive gene. Hindi ko alam kung tamang tawagin kong "recessive" ito pero ang ibig ko lang namang sabihin ay kailangan ng isang tao na lahat ng X chromosome niya ay may colorblindness gene bago maging colorblind. Dahil ang lalaki ay iisa lamang ang X chromosome, kapag naging colorblind ang gene na ito, colorblind siya. Ang babae, kailangan dalawang colorblind na X bago maging colorblind.
Ang pinakamamahal kong colorblind na Jimeh, halimbawa, ay may colorblind na X. Dahil ang kanyang Y ay maaari lamang magmula kay Papa Felipe, ang X niya ay mula kay Mama Delia. Dahil si Alexis my labs ay hindi naman colorblind, at hindi rin daw colorblind si Mama Delia, carrier lang si Mama Delia. Dahil mula rin kay Mama Delia ang isang X ni Ate Bea at Rosa babeh, posibleng carrier din sila. Dahil hindi naman colorblind si Papa Felipe, hindi sila magkakaroon ng anak na babaeng colorblind.
Kung ipagpapalagay natin ang nakakabagabag na senaryong magkakaanak si Rosa babeh at ang pinakamamahal kong Jimeh, may 25% chance na ang anak nilang babae ay colorblind. Kung tama ang kalkulasyon ko, ganun din kung si Maykol ang makatuluyan ni Rosa. O kung ang ginoong makapagpapatibok ng pusong kahoy ni Rosa ay nagkataong colorblind pala.
Therefore, kailangan ng bio ang logic. The end.
Weh. Yan din paniniwala ko simula 2nd year D:
ReplyDelete