1/13/13

Nietzsche and My Examined Life

These letters were originally written for and read aloud in front of my contemporary philosophy class two sems ago. I am honored to learn that this piece made one of those classmates cry, inspiring her to include something like this as an activity for the philo classes she now handles. The note was added later for submission... and edited even later for posting.



 Mahal kong Friedrich,

May mabigat akong suliranin na hinaharap sa araw-araw na lang ng aking pagkabuhay. Ito ang pakikipag-usap sa mga tao. Hindi ko naman ito maiiwasan sapagkat namumuhay ako sa isang komunidad. Hindi naman sa ayokong makipag-usap dahil hindi ko sila gusto. Natutuwa ako, sa katunayan, sa marami sa mga nakakasama ko. Ang kasawian ko’y, sa hindi malamang kadahilanan, madalas akong mautal tuwing nagsasalita, lalo na tuwing pinagpapaliwanag o pinagkukwento tungkol sa mga bagay-bagay. Isa ito sa maraming dahilan kung bakit hindi ako kailanman magtatagumpay sa pagsali sa anumang beauty pageant. Kitang-kita ko na sa isip ko ang impormasyong nais kong iparating subalit hindi ko maisaayos ang mga ito sa mga pangungusap na kasinlinaw ng aking pagkakaintindi. Hindi ko lubusang maunawaan ang gayoong pangyayari. Nangangamba akong hindi talaga ako naiintindihan ng aking mga kausap. Kung kaya’t labis akong nagdaramdam.

Sa pagnanasang maibsan ang kahihiyang dulot ng malalabong pangungusap, pinagninilay-nilayang ko munang mabuti ang aking mga sasabihin, pasulat man o pasalita. Paulit-ulit ko pang ineensayo sa aking utak ang hinahangad kong takbo ng pag-uusap. Minsan kulang pa yun; kaya kung sigurado akong walang nakakarinig, binibigkas ko pa nang malakas ang binabalak kong sabihin. Paulit-ulit hanggang dumating na ang pagkakataon para magsalita o hanggang sa mapagod ako. Pakiramdam ko tuloy nagsusulat lang ako ng papel. Sa kasawiang palad, napansin kong habang lalo akong nag-iisip, lalo akong kinakabahan kahit magtatanong lang ako sa department, sa AS 101, sa kaklaseng bihira makahalubilo, o sa propesor. Kinakabahan rin ako kahit  magpapa-load lang. Yung kabang kulang na lang ay mabali ang aking mga tadyang sa paglundag ng aking puso. Kung kaya’t nababalewala ang lahat ng aking paghahanda at sa huli’y nagkakalat pa rin ako. Lubos akong naiinggit ako sa marurunong magsalita nang maayos. Tuwing nangyayari ito, hindi ko mapigilang mamukmok sa mga paborito kong tambayan  habang muling sinasariwa ang mga naganap at umasang lamunin na lang ako ng lupa.     

Iyan ang sikreto ng aking pagtitipid. Mas pinipili kong maglakad kaysa sumakay sa mga pampublikong sasakyan. Mas hihintayin ko pang makauwi nang bahay para pawiin ang uhaw at gutom kaysa kumain sa labas. Mas nakikinig ako kaysa nagsasalita. At kung kailangan talagang magsalita, pinipilit pagkasyahin ang sasabihin sa pinakamaikling paraan, madalas kulang sa detalye. Dahil rin dito, minabuti kong idinaan sa sulat ang report na ito. Samakatwid, labis akong nalilimitahan ng aking mga hinanakit. Pa’no na ‘to?. Nawa’y matulungan mo ako.

Kinakabahan,
Geno  


---

Geno,

Masyado kang nang nag-iisip. Itigil mo na ang pagsunod kay Socrates. Mali siya. Walang siyentipikong pagsisiyasat ang makakasalba sa iyo mula sa iyong mga hinanakit. Walang makakatulong sa’yo kundi ang iyong sarili. Ngunit hindi makakatulong sa’yo kung ipagpapatuloy mo pa ang pagliliming yan tungkol sa iyong buhay. Basta mabuhay ka. Gawin ang gagawin.

Hindi tunay na ako,
Ginoong Nietzsche


-30-


Note:

I usually hate explaining jokes and the underlying wit of my compositions for these, I believe, are things better appreciated by a reader who figures them out themselves. But for the sake of my grade in the subject for which this is a requirement and for the sake of [the] philosophical notion that nothing is obvious, I shall explain. 

The choice of Nietzsche and his particular idea is not a random one, though it seems to be, but is based on a “mind-changing” connection felt by the author for this idea during the discussion on Nietzsche. Ginoong Nietzsche’s advice is based on the difference between the Socratic maxim “The unexamined life is not worth living” and Nietzsche’s negation of it, i.e., “The examined life is not worth living.” Life, for Nietzsche, is not something to be thought about, but something to be lived. And so he [advises] the distressed letter sender (who thought too much about her interactions with others, as reflected by her relatively longer letter,) to quit thinking about her life and start living it by simply doing what she has to do. Thinking of her life, as demonstrated by the letter, has exposed the contradictions that make her miserable--that is, that her attempt to solve her stammering by thinking about the details of what she was about to do has caused her greater frustration. Contradictions like these are recognized by Nietzsche to be irreconcilable and an inevitable part of life. Thus, life cannot be thought about scientifically. 

This idea, it struck me not so long ago, seems to be the unifying thread of the contradictions in Nietzsche’s thought which he doesn’t attempt to synthesize at all. This disregard for consistency and coherence is not just some reckless neglect on Nietzsche’s part but actually a demonstration of his view on life. His philosophy, afterall, talks about evaluating how one ought to live life. And so, the contradictions in his philosophy is a consequence of the attempt to think of life in a systematic manner.

P.S. Just in case no one got it, the fake reply had to be fake because the way I understand Nietzsche through his philosophy, he doesn't seem to be the type of person who'd help someone in need.

Ginoong Nietzsche's advice is effective, by the way. I follow it!

No comments:

Post a Comment