8/26/13

Para Sa'yo, Krisha

Actually, exam ko 'to last year sa isang panitikan class. Pero ikaw iniisip ko nung sinusulat ko 'to hihi. Labyu!
 
Yoh. May pinabasa sa’ming mga kwento sa isa kong klase sa panitikan baka magustuhan mo. Maikling kwento lang sila so ilang pages lang yun, saka tungkol sa pag-ibig (na paborito mo kahit wala ka namang lablayp). Malay mo makakuha ka pa ng realizations dun para sa mga hinanakit mo sa buhay.

Feeling ko pinakamakakarelate ka dun sa “Ako’y Mayroong Isang Ibon” ni Deogracias Rosario. Madrama eh hahaha. Akala ko pa babae si Deogracias tas sabay “Father of Tagalog Short Story” pala siya sabi sa isang Did You Know ekek ng Inquirer. Anyway, madrama yung pagkakasulat, madrama rin yung topic. Tunay na pag-ibig. Sa totoo lang, hindi ako nakakaappreciate ng emotional na mga akda kasi parang gasgas na yung mga pinagsasasabi saka parang nakakasira kasing mood imbis na nakaka-build habang mas marami sinasabi. Pero kung hindi papansinin yung kadramahan nung narrator at kukunin na lang yung main idea ng sinasabi niya, nagagandahan ako sa metaphor niya ng ibon para dun sa love interest niya. Yung kwento kasi hindi talaga kwento. Parang musings lang ng isang guy tungkol sa pag-ibig niya kay girl na hindi naman siya mahal. O diba ikaw na ikaw. Baka ganyan ka pa nga magsulat sa diary mo eh hahaha. Baka magustuhan mo yung last line.

Yung paborito ko sa mga irerecommend ko sa’yo ay yung “A Footnote to Youth” ni Jose Garcia Villa. Madrama rin yung theme niya at gasgas na rin actually. Love, Youth and Life. Yang mga ganyang theme yung kumukorni habang lalong ineelaborate pero buti na lang hindi ganun yung treatment ni Villa. May pagka-datached. Maraming hindi idinetalye, pero alam mong maraming nangyari. Maraming implied lang. Tapos direkta siyang nagsasabi ng emotions nung characters pero hindi siya nagde-dwell doon na parang “ito yung nararamdaman ng character kaya ito yung dapat mong maramdaman.” Hindi niya tinuturuan yung reader kung anong dapat maramdaman sa sitwasyon nung characters. Kaya parang mas nakakaawa. Gusto ko yung ganung style. Yung setting niya bukid, tas magsasakang uri yung characters. Tas pinapakita niya yung consequences ng pagpi-PBB Teens.

Kung gusto mo ng mas makakasabay sa uso, andyan yung “Nagbibihis na ang Nayon” ni Brigido Batungbakal. Ang weird ng pangalan niya noh, parang napagtripan ng magulang. Anyway, yung ending nung kwento, uso sa Pinoy movies ngayon. Basahin mo. Pero basically tungkol siya sa mga pagbabago sa nayon sa paglipas ng panahon. Ewan ko kung naniniwala ba ako na “age doesn’t matter” pero nakakakilabot lang na love story siya na 16 lang yung babae tas Engineer na yung lalaki. Kahit pa iassume natin na bagong college graduate lang si Engineer, edi parang kami lang yung ng kapatid ko. 7 years ang pagitan. Eh ano ba naman, hinding-hindi ako magkakagusto sa mga kabatch niya kahit si JM de Guzman pa ang kamukha noh. Ang bata, bata. Buti sana kung nasa thirtees na sila pareho or sige okay lang na 20s kasi medyo nawawala na yung significance ng gap na yun kung hindi na masyadong halata. Pero pag-16 pa lang yung isa, grabe lang nene pa yun!

Meron din medyo sensual. Yung “Summer Solstice” ni Nick Joaquin. Hindi ako mahilig sa sensual, pero nung inanalyze ko yun para sa report namin, ang galing pala. Yun ang una kong nabasang malikhaing akda niya. Ang una kong nabasang sinulat niya ay mga sanaysay niya tungkol sa kultura at kasaysayan. Nagustuhan ko na siya nun, pero nung mabasa ko ang Summer Solstice, gets ko na kung bakit siya National Artist. Yung ginamit niya kasing style bagay na bagay dun sa topic niya. Pagkalalaki at pagkababae tas yung structure ng kwentong iyon, parang yin-yang. Yung first part parang pagkalalaki sa punto de bista ng isang babae, yung second part parang pagkababae sa punto de bista ng isang lalaki. 

Yung last, ibang klase ng love yung story, pero may landi yung babaeng main character. “Tulad nang Dati sa Underpass” ni Amor Datinguinoo. Yung girl hindi damsel-in-distress yung peg. Kebs siya sa buhay niya, tas pinapalabas niya na boring kasi sanay na siya. Pero kung iisipin, ang drama talaga. MMK material. Sa discussion namin sa class, ang basa sa character niya, parang yung nga, sanay na sa hirap ng buhay. Pero tingin ko may ibang level pa ring pwedeng tingnan yung psychological profile (naks may ganun eh noh hahaha) nung character. May drama siya eh, sinusupress lang niya. Alam mo yung mga komidyanteng ang galing magpatawa parang walang problema, pero kung titingnan mo yung naging buhay nila napaka… bigat. 

Well, anyway, basahin mo ah. Pero sori ka parang walang happy-happy ending sa mga iyan. Hindi papatok na teleserye.

<3 Gen

No comments:

Post a Comment