Transcription attempt from memory. Yata. Verbatim mula sa aking sinaunang notebook.
Marami na ang nangangarap na marating ang Kaharian ng Araw. Ito ay sapagkat sinasabi na sa kapirasong langit-lupang ito ng walang hanggang liwanag ay namumukadkad raw ang pangako ng walang patid na kaligayahan, kasaganahan at tagumpay. Ang pangakong ito ang umudyok sa karamihan na lumisan at maglakbay tungo sa malayong kabundukan at karagatan upang doon ay hanapin ang mailap na kaharian ng pinakamimithing tagumpay ano pa man ang maging kapalit nito.
At ito ang pangarap na naging matimbang para kay Ponce nang iwanan niya ang kanyang mga magulang at iba pang mahal sa buhay upang hanapin ang Kaharian ng Araw. Kasama niya sa paglalakbay ang kaibigan niyang si Paolo. Para kay Paolo kahibangan ang ginawang pag-iwan ni Ponce sa mga magulang at kaibigan upang habulin ang kanyang pangarap sapagkat wala namnag nakakatyak kung saan at kung ano ang kanilang sasapitin sa Kaharian ng Araw. Ang nakikitang niyang pinakamahalaga sa kanilang buhay ay ang kwintas ni Ponce na matagal na pinag-ipunan ng kanyang ina: ang gitara na pamana kay Paolo ng kanyang yumaong magulang: at ang kanilang pagkakaibigan na siyang dahilan ni Paolo kung bakit patuloy niyang sinasamahan ang kaibigan sa kabila ng pagtutol.
Apparently, hindi pa ako marunong gumamit ng colon at comma nung grade 2.
7/1/12
6/23/12
1 at 2
G: Hi.
J: SA ka rin?
G: Oo.
J: Anong name mo?
G: Gen.
J: G?
G: Oo.
G: Ano nga palang name mo?
J: Jenn.
G: J?
J: Oo.
J: SA ka rin?
G: Oo.
J: Anong name mo?
G: Gen.
J: G?
G: Oo.
G: Ano nga palang name mo?
J: Jenn.
G: J?
J: Oo.
6/9/12
Bye, Kitty
The closest I had to a pet was a plant... if I don't count my two pet sisters. My mother thinks it's too much of a bother to take care of animals of a different species-- which is perfectly legitimate since she already has four people to care for. Pets have, therefore, been discouraged in the household.
Like most children though, I had that stage in my life wherein I wanted a pet. My sister and I wanted at least to have a pet fish when we were in elementary. They seem to be relatively easy to take care of and you keep them in a container. You aren't even supposed to hold them in your hands. We were and are both squeamish at the idea of touching creatures that wiggle.
There have been cats in our backyard for as long as I remember. We don't own them. They come and go as they please, sometimes living their litter around. My mother hates them because of that. When my grandparents were alive, they'd leave scraps of food in some container in the backyard for these felines. My sister and I would watch them eat from a distance. Sometimes there were kittens. We would watch them too. Sometimes a cat gets in the house and it will be chased out with a broom. It was exciting and we'd watch that too.
The documentary Earthlings influenced what I now think is my opinion on the matter of keeping pets. Another documentary we were made to watch for MS1 changed how I see fishes. But after dissecting cats in Bio 102, I think I have grown fond of cats. But not enough fondness to make me buy my own pet.
In the past few days there has been a kitten in our backyard trying to get in the house by climbing the screen window. Its pleading meows break my heart. I have played with it once using my foot and some twigs. It was obviously hungry. But I wasn't allowed to feed it because it won't leave if I did. I don't mind if it stayed. If I wasn't too afraid to touch it, I'd think of keeping it. But it's now gone and I sort of miss it.

6/8/12
Opabinia
Habang naghihintay ng Form 5.
"Excuse me. Where did you buy your shirt?"
"It's homemade."
"Oh, wow. I like it."
"Thank you."
"It's Opabinia?"
"Yeah."
"Where are you from? Marine Science?"
"Uh.. no."
Hindi ako yung gumawa nung shirt pero flattered ako. It felt nice. :)
Kahit hindi talaga ganyang ka-smooth ang conversation dahil masyado na namang mahina ang boses ko at maingay.

5/7/12
Sentimental Entropy
Bago mag-college, every summer naglilinis ako ng gamit. Inaarrange ko lang naman at pinupunasan. Hindi ako nagtatapon. Pero napansin kong lagi lang rin namang nagugulo, at naisapuso ko ang tinurong entropy sa chem, kaya sumuko na ako.
Marami sa mga gamit ko ay tinatago ko dahil sa sentimental value. May mga tinatago rin ako dahil magagamit pa someday, somehow. At alam naman nating sa mga tambakan lang sila ng basura mapupunta, ayoko nun. But first and foremost, I am a sentimental fool and a frustrated historian. Gusto kong maalala lahat.
Ipapakita ko sa inyo ang nangyayari kapag pinagsama ang dalawang sentiments na iyan-- in the hope na mahihiya ako sa sarili ko kaya maglilinis na ako uli.
Ito ang shelf na kinontrata ko para maging lalagyan ng aking readings, handouts and school papers since grade 3:
Pero ito ang bulk ng aking school stuff, all over the house. That is because wala akong sariling kwarto. Dun ko sila unang tinambak, sa taas ng blue drawer on the left. Pero nag-avalange so...
Yung iba sa kanila ay nilipat ko sa aming sofa nung naisipan kong maglinis dahil hinahanap ko ang aking Korean papers. Dahil hindi ko na natapos at nandun lang nang isang buwan, nilipat ng mga kapatid ko sa ilalim ng dining table-- na hindi actually dining table dahil hindi kami nakakakain doon.
Nung sem break, sinubukan kong simulan ang pagliligpit pero hindi ko rin natapos at iniwan ko lang sila sa tapat ng TV na nakapatong sa mga upuan. So ang pwede lang naming upuan sa bahay ay ang aming sofa at dalawang upuan-- yun isa ginawa ko pang patungan ng mga bunton-bunton kong readings na ngayon ko palang balak ayusin.
Here are the others under the laptop table.
Meron pang konti dito. And yes, monitor ng desktop computer iyan. Yung keyboard ay natabunan na.
May makikita rin kayo dito sa aming supposedly, study table.
And oh, ito ang kalahati ng aming sofa.
Yun ang aking college things. Now I will show you my high school and elementary stuff. Most of my high school memorabilia are stored in this plastic box and that thick... folder on it. Ang mga freshie things na nailigpit ko na ay naryan rin sa loob. And so are my private notebooks since the second grade.
My private notebooks, by the way, and the notebooks I use for college notes are old notebooks na hindi napuno nung hayskul and elementary. I store them here with the paper products na regalo kapag birthday ko o pasko, and mommy's blank prescriptions. Maayos yan dati pero may nagmamagaling na nakialam, so there.
Hindi ko na alam kung anong laman nito dahil pinakialaman din ng nagmamagaling. Kaya tinambakan ko na lang ng kung anu-ano.
These drawers I used to empty and rearrange. Ang laman nila, except for a few items na pinabili ko, ay either niregalo, freebie o pinamana. I don't use them much, but I think I can tell you from where I got each item.
Ang pinaka binubuksan ko na lang sa kanilang drawer ay yung naglalaman ng aking girly stuff-- na hindi ko naman talaga ginagamit. The other drawers hindi ko na binubuksan.
Dito naman sa drawer na ito ang mga ornaments na makikita mo sa ibang bahay na nakadisplay, some toys at ang mga nireregalong cute stuff since elem na wala namang ibang gamit kundi display. Punong-puno ang drawer na ito at hindi ko na nga siya mabuksan, actually.
And these are some toys that I used to play with as an older kid, the toys I don't know where else to keep, and the junk I used to collect.
Actually, ang gusto ko talagang gawin sa kanilang lahat ay ilagay sa isang higanteng time capsule at ibaon sa lupa. Pero mahirap maghukay sa aming gubat.
This is the view from where I work.
Yung pader na separation namin mula sa kapitbahay ay, in my estimation, only 10 meters away from where I took this picture pero hindi mo na makita halos. It's not very attractive but I like it. Presko, at naiinspire akong magreview ng bio. I am pretty sure na mataas ang biodiversity diyan. May nakikita akong slimy lizard-like reptiles na umaali-aligid paminsan-minsan, hindi lang maya ang maririnig mong ibon, and there are all sorts of insects everywhere. Hindi ako magugulat kung may undiscovered species diyan. At yang halaman na may malalaking banana-like leaves ay, actually, bird of paradise pero umaabot na siya sa bubong namin. Mukhang napaka taba ng lupa. Sa likod nun ay puno ng kabalyero na namatay na kaya sinulputan ng saprophytes. May project pa nga kami ni Matangkad na inventory ng lahat ng halaman sa bakuran na hindi pa natutuloy dahil tinatamad pa ako.
The pictures you saw are basically how it is in the entire house, no exaggeration. Naiinis ako kapag pinagsasabihan nila akong magligpit ng gamit o kapag ginagalaw nila ang gamit ko dahil hindi ko na mahanap kapag kailangan ko at nagkalat rin naman ang gamit nila ba't hindi nila unahin yun.
Anyhow, hindi pa rin ako nahihiya. I don't like the dust, but I don't really mind the clutter. But since I discovered that cleaning takes my mind off the future, and I like to do something with my hands for a change, sige na nga magliligpit na nga ako. At since mas importante naman sa'kin yung memory kesa sa gamit per se, maybe, just maybe... if I write the memories down with pictures and all, I just might be able to part finally with these junk...
5/2/12
Mamikoh
... ang tawag ko sa kanya at Anak koh *insert u na may dalawang dot sa taas here* ang tawag niya sa'kin nung hayskul. Hindi ko na maalala kung bakit.
Isa siya sa mga unang elementary friends ko nung biglang tinambak ako sa star section at hindi pa ako nagsasalita. Grade 4, tatlo silang pinagtulungan ako sa isang bench katabi ng stage kung saan nagli-lead ng flag ceremony. Pinagtatalunan namin kung may star section sa Kinder. Isa rin siya sa mga naghinala sa'kin tungkol sa isang sulat na natanggap ng isa naming kaklase mula sa isang secret admirer. Galit na galit ako kanila.
Nabuo ang barkada namin nung grade 5, kasama yung isa pa sa kinagalitan kong nabanggit at dalawa pang kaklase. Tinawag nila ang aming grupong "berks" hango sa isang palabas sa TV na hindi ko naman pinanood. Sa kanila ko unang naranasang pumunta sa bahay ng kaklase. Sa bahay pa iyon ng babaeng ito. Sa kanila ata ako unang nakaranans na laging may kasama. Ang special place namin ay yung damuhan sa harap ng Sampaguita Residence Hall dahil doon nagpapark ang service ng babaeng ito. Pwede ring yung dating damuhan sa tapat ng Narra dahil dun naman nagpapark ang service ng isa pa sa kanila. Ako lang ang hindi nagse-service. Sa kanila rin ako unang nagtapat ng kahit anong sikreto ng buhay-- na hindi ko alam kung dapat pagsisihan dahil nakahalata si Teddybear. Sa kanila ko rin naranasang pagtulungan ang isang tao--yung gusto ni Teddybear na best friend ko pa man din. At sa kanila ko rin unang naranasang masangkot sa away dahil nag-away itong babaeng ito at yung isa pa sa'min. Hindi ko na maalala kung bakit. Basta nahati sa dalawa ang barkada, at pagkatapos magpalitan ng masasamang sulat, tuluyang namatay nung grade 6.
Ang sinasabi nila ngayong dahilan nun ay ang pag-aagawan nila sa'kin. The most absurd I've ever heard.
Nagkakasama kami pag uwian nung grade 6, habang hinihintay niya ang service niya. At hinihintay siyang umuwi ng kanyang 6-year admirer na pilit niyang iniiwasan na parang may virus.
Hayskul kami nagsimulang mag-drift apart. Nagtatampo siya sa mga bago kong kaibigang poste. Nagtatampo ako sa mga bago niyang kaibigang popular kids. Pero andun ako nung inamin niya sa wakas na hindi talaga siya nandidiri kay noong 8-year admirer na niya. Nandun din ako nang biglang may third party pala-- na gusto kong wasakin kasama na rin si admirer. Andrama lang masyado ng babaeng ito, kadiri siya magsulat gusto kong ipost.
Sa huli, nakuha niya ang gusto niya. Siya ang pinili. At ngayo'y 5 taon na sila. Doon na rin ako nawala sa eksena. Nag-barkada reunion lang minsan pagkagraduate ng hayskul sa bahay niya. Hindi na naulit. Pag dating ng college, wala na akong balita totally hanggang sa nag-fb siya. Hanggang surprise pagsasalubong na lang sa skul ang interaction namin.
Ang una pagkatapos ng maraming taon na nagkwentuhan kami as in kwentuhan ay nung first sem nitong aking fourth year. Buti na lang na-lowbatt siya at hindi ang boypren niya ang dinala sa kanya ng tadhana kundi ako at nakisaksak siya ng sim. Sa AS yun habang naghihintay ako at ang aking mga kaklase ng syllabus ng 175. Doon ko nalaman na nasa US na pala ang pamilya niya at bumalik lang siya dito para tapusin ang kanyang pag-aaral. At ngayon ko lang naalala na alam ko palang aalis siya. At ngayong graduate na kami, aalis na nga siya.
Isa siya sa mga taong may certain homey feelings ako. Kaya kung anu-anong nasasabi ko kapag kaharap ko. Feeling ko elem pa rin kami at close. At kakaunti lang silang ganun. Kahit hindi na kami nag-uusap like chummy-chummy. Di niya siguro alam yun dahil hindi ko naman sinabi kahit kelan. Isa siya sa mga laging nakakaalala ng birthday ko at nagtetext pa. Okay na yun sa'kin.
Di niya na ko malamang hinahanap tulad ng dati, may kanya-kanya na kaming buhay at andami na niyang college friends, at may career na siya, pero di niya siguro alam na sinusubaybayan ko pa siya sa fb. Pati yung kapatid niyang kamukha niya. At kahit parang wala naman talagang magbabago sa pag-alis niya kasi hindi naman talaga kami nagkikita, parang may nag-chip off na part ng puso ko nang maconfirm kong totoo na nga. Hindi ako nakatulog. Bukod sa mainit, iba pa rin talaga kasi kapag alam mong pwede pa kayong magkasalubong kung saan mang dako ng Pilipinas. Inaasahan ko talaga yun e.
Alam niya sana na naglalambing lang ako tuwing inaasar kong magbe-break na sila ng boypren niya. Ayokong mangyari yun dahil magkamukha na sila kaya sana sila na forever. Alam niya rin sana na nasa'kin pa lahat ng sulat niya at regalo simula elem--na pwede kong ipakita sa mundo kung kelan ko matripan. Sana mamiss niya ko at maalala paminsan-minsan. Pwede kaming mage-mail e-mail like penpals kung gusto niya. Sana gusto niya.
Normally, gagawin ko itong magdramang sulat na maiiyak siya sa sobrang touch. Pero dahil gusto ko rin ng kopya nito, at kawawa naman ang mga puno, at gusto kong malaman ng mundo, ginawa ko na lang third person ang pagrerefer sa kanya na parang pinag-uusapan siya sa likod niya, at ipinost sa isang public blog na kunyari hindi niya mababasa kahit ipapabasa ko naman talaga sa kanya. Sana binasa niya lahat kahit mahaba. Ganito ko siya pag-uusapan sa likod niya. Hihi.

Subscribe to:
Posts (Atom)