- Ang UP ay overrated at sobrang stinereotype. Hindi lahat ng guro dito ay magaling, hindi lahat ng magaling ay nandito. Hindi lahat ng mag-aaral ay "matatapang, matatalino, walang takot kahit kanino." Hindi rin sila pare-pareho mag-isip. Napaka-diverse ng populasyong UP na ang pinaka lehitimong heneralisasyon yatang maaaring makuha sa kanila ay pare-pareho silang pumapasok--maluwang ang paggamit sa salitang "pumapasok" (No pun intended!)--sa UP.
- Isang napakalaking pagkakamali ng marami ang pag-take for granted sa mga bagay-bagay. Mahiwaga at masalimuot ang sansinukob; sabi nga ni Ludwig Wittgenstein "Not how the world is, but that it is, is the mystery." At sa mga salita ni Mia Lua, "Things get messed up when people start thinking they are entitled to what they've acquired, when prior to that, it was seen as a privilege."
- Ang freedom of speech ay overrated. May mga opinyong walang kwenta, walang katuturan, at hindi karapat-dapat ipahayag (katulad ng "mali ka kasi ampangit mo!" at "ang bobo mo mamatay ka na!" at "mamatay na lahat ng conyo!"). Ang mga ito'y yung base sa mga maling impormasyon, maling kaisipan, at maling pangangatwiran. Ang tamang panghuhusga kung alin pa ang mga opinyong tulad nito ay isang maselan at masalimuot na proseso na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng intelektwal na pagpapakumbaba.
- Overrated ang moral relativism. May absolute na tama at mali; hindi nga lang lahat ng bagay ay may value na tama o mali.
- Kailanman hindi naging mali ang pag-ibig ngunit ang tao ay nagkakamali. Sa mga salita ni Mia Lua... (<--click!) Hindi lahat ng aksyon ng isang taong may minamahal ay pag-ibig ang pangunahing gumagabay. Mahal man ni Beatrice Marasigan si Margaux Marasigan, ang pagka-overprotective ni Beatrice ay mas dahil sa kawalan ng tiwala at insecurities sa mundo kaysa sa pagmamahal kay Margaux. Hindi tunay na pag-ibig ang mayroon si Nathan Montenegro para kay Katarina Alcantara-Montenegro o ang mayroon si Miguel Ramos para kay Emily Guidotti. Hindi lahat ng umiibig ay tunay na umiibig. Mahirap umibig nang totoo; hindi lahat ng tao marunong nito; ito ay natututunan.
- Ang mga tao ay inire sa mundong nababalutan ng bullshit. Hindi lahat ng mababasa mo't mababalitaan ay totoo kahit pa marami ang pinanggagalingan nito, kahit pa sikat ito sa media. Ang buhay ng bawat isa ay pangangapa kung saan nagtatago ang mga katotohanan sa nagkalat na bullshit. Sa kasawiang palad, kakaunti ang nabibigyan ng kakayahan at pagkakataon para dito. Karamihan ay natatabunan, nagiging bahagi, at tagapaglikha ng karagdagang pang bullshit.
- Ang edukasyon ay isang pang-habangbuhay na proseso ng pagsira at muling pagbuo ng sistema ng paniniwala ng indibidwal batay sa kanyang pangangatwiran ukol sa mga karanasan at impormasyong makakalap. Hindi ito maikukulong sa interaksyon sa isang pormal na institusyon o sa mga pahina ng sulatin. Ang tunay na sukatan ng pagkatuto ay hindi ang requirements na mamarkahan ng mga guro kundi ang pagbabago sa iyong pagtingin sa mundo at ang impluwensya nito sa paraan ng iyong pamumuhay. Ang bawat sistema ng paniniwala ay tentatibo kung kaya't kinakailangang manatiling bukas sa pagbabago.
- Ang sansinukob ay interdisciplinary at multi-disciplinary kung kaya't hindi dapat ikinukulong ang isang paksa sa isang disiplina.
- Kulang ang pag-unawa mo sa kahit ano kung hindi mo pinag-aralan ang kasaysayan nito. Mahalaga sa wastong pag-unawa ang pagsasakonteksto. Saligan ng tamang ebalwasyon, pagkritiko at panghuhusga ang wastong pag-unawa.
- Ang galing ng systematic doubting ni Rene Descartes. Kapaki-pakinabang ito sa pag-figure out ng mga paraan ng paggawa ng maraming bagay, tulad ng research methods at pagguhit.
- Ang sangkatauhan ay hindi neutral, rasyonal at intelektwal. Naglipana at naghahari ang mga katarantaduhan, bias, tunggalian at masasamang intensyon sa mundo. Ito ang dahilan ng pagsusulong ng Anti-dynasty Bill. Ito rin ang asumpsyon ng madla kaya galit na galit sila Anti-cybercrime Law. Ang anumang batas ay maaaring baluktutin upang umayon sa isang hangarin; mahirap magtiwala.
- Lahat ng nasa sa mundo ay pansamantala lang. Ang buhay ay isang serye ng kasalukuyan.
- Ang alaala ng tao ay gumagana tulad ng pagkakalarawan ni John Green, "You don't remember what happened. What you remember becomes what happened.”
- Kung gusto mong maintindihan ka ng ibang tao, kailangan mong magpaliwanag nang todo. Pero kahit anong ingat mo sa mga salitang gagamitin mo, mahirap pa ring masiguradong tama ang pagkakaunawa nila sa'yo. Bawat tao ay bibigyan ng kahulugan ang sasabihin mo batay sa kanilang sariling karanasan at konteksto. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa sarili ang kausap mo at pinag-iisipan o sinusuri ang sinasabi mo. Madalas hindi sila nakikinig o mali ang pagkakarinig. Maski ikaw ay magkakaroon din ng mga pagkakamaling ganito.
- Walang taong immune sa tukso at pagkakamali. Hindi resonableng asahang konsistent ang magandang reputasyon ng mga tao. Hindi makatwirang asahang hindi makakagawa ng mali ang mga taong tinitingala mo, tulad ng pari dahil "banal silang tao," gayundin ang mga bayani, at mga santo. Hindi sila perpekto. Gayundin, hindi makatwirang asahang wala nang gagawing tama ang mga wala pang ginawang tama sa paningin mo.
- Ang pinaka mahalagang dapat matutunan ng isang mag-aaral ay kung paano matuto. Sa kasawiang palad, hindi ito ang itinuturo sa klasrum at maraming kailangang ayusin sa mga kurikulum. Sa lahat ng aral na nakapaloob sa post na ito, tatlo lang ang napansin kong tuwirang itinuturo sa klasrum: matematika, pagbabasa at pagsusulat sa wikang Filipino.
4/22/13
16 na Aral Mula sa Unang 18 Taon sa UP
Labels:
Feeling Intelektwal,
Peyups
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow, did you just say "bullshit" at "katarantaduhan," Geno? :))
ReplyDeleteNaalala ko dito yung article ni Ate Bing, na bukod pa sa academic lessons na natututunan natin in class eh may mga mas mahahalagang lessons pa tayong natututunan sa college life. :)
At gustong-gusto ko yung "sa mga salita ni Mia Lua". Hahahaha.
Hmm. Parang nabasa ko nga iyang article na yan ni Ate Bing. Hahaha nakikilevel tayo sa kanya eh noh, Mr. Magna? :))
DeleteYes, I said "bullshit" ang "katarantaduhan" :)) Oy, hindi naman ako ganun kabait. Nagmumura rin ako, hahaha, pabulong. :))
Philosopher iyang si Mia Lua. Kalevel ni Wittgenstein :))