- Kapag nakausap mo siya, ang una mo marahil mapapansin ay ang maaliwalas niyang mukha, at malutong na dambuhalang tawa. Siya ang nag-interview sa'min para makapasok sa AP, at parang kwentuhan lang ang kinalabasan nun kasi mas marami siyang sinabi sa'min kaysa tinanong. Sa kalagitnaan ng mga lektyur niya o pakikipag-usap, bigla siyang tumatawa ng tawang nakakahawa. At hindi ko alam kung pa'no niya nagagawang magsalita nang mahinahon at may kislap sa mata tungkol sa mga sobrang nakapanlulumong isyu. Nahuli nang isa't kalahating oras ang jeep naming sasakyan para sa Integrasyon, pero tumatawa pa rin siya. Hindi ko siya maimagine na sumisigawa sa galit o nagwawala sa panggagalaiti o naiinis.
- Aktibista siya na aktibong sumasama sa mga rally; minsan, bilang tagapagsalita pa. Sa pagkakaalam ko lider siya ng isang uniyong nakikipaglaban para sa karapatang pantao. Pero binabasag niya ang mga maimpluwensyang marxismong akda na tinuturing na bibliya ng mga karaniwang aktibista, tulad ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto, at Krisis at Rebolusyon ni Jo. Ma. Sison. Binabasag rin niya ang mga akdang may ideolohiyang kabaligtaran ng marxismo tulad ng Republic ni Plato, at Ama ni Lazaro Francisco.
- Aktibo rin siya sa academe. Palagi siyang naiimbitahang magbasa ng papel, o maging taga-respond sa tagapagsalita. Nakikipagtalakayan din siya sa mga colleagues niya.
- Nakalalaglag ng puso ang research attitude niya; marunong siya ng tamang pagkritiko ng literatura at ng kung anuman. Hinuhusgahan niya ang isang akda o anumang likha batay sa konteksto nito, at background ng pagkakasulat, at hindi sa pamantayan ng kasalukuyang panahon. Nauunawaan niya ang kasalimuotan ng realidad, at hindi niya pinapaliit ang kumpleksidad na ito sa pamamagitan ng istereotipikong pag-iisip.
- Malawak ang kanyang kaalaman,at interesado siya maging sa mga bagay na aminado siyang ituturing ng marami na nakakabagot, tulad ng kasaysayan ng mga edisyon ng aklat. A.P ang undergrad niya at PhD, pero mukhang maalam siya sa pilosopiya. Sumabog ang puso ko nang marinig siyang magsalita tungkol sa pilosopiyang Pilipino sa symposium na hinanda ng mga mag-aaral ng pilosopiya. Magkakilala sila ng paborito kong logic prof (na hindi ko naging guro sa logic). At hindi niya pinagkakamalang bubuyog ang wasp.
- Maalam siya sa wikang Filipino (o Tagalog); Filipino ang ginagamit niya sa klase. Pero sumabog ang puso ko nang una siyang marinig mag-Ingles sa sympo na iyon dahil isang Pranses ang speaker. Hindi ko pa siya naririnig mag-Aleman pero suspetsa ko maalam rin siya doon dahil sa Alemanya siya nag-PhD at nakakakilig siya bumigkas ng mga salitang Aleman. Ang disseration niya ay tungkol sa salin ni Rizal ng William Tell mula sa Aleman. Palagay ko marunong din siya mag-Malay. Sa pagkakaalam ko, pumunta rin siya sa Indonesia at posibleng pinag-aralan din niya ang wika doon. Huling balita ko, nag-aaral siya ng Hapon dahil may ipinapaturo siya sa kaklase naming Hapon.
- Malaki ang katawan niya; di ko alam kung pano ilalarawan, basta hindi siya payatot. Sa tantya ko, nasa 40's na siya. Balbas-sarado at di katangkaran pero matipuno. Sa paningin ko, mas bagay sa kanyang ganun kaysa mag-ahit. Lalaking-lalaki. Pero simple lang siya manamit-- t-shirt, hanggang tuhod na shorts, sandals-- at may puting ecobag na nakasabit sa kanyang balikat.
- Hindi siya maaksaya sa papel. Ang mga questioner ng quiz namin ay pinrint niya nang font 8 at ipinamahagi niya sa bond paper na pinunit ng kasinlaki siguro ng 1/16 na yellow paper, hanggang sa napagdesisyonan niyang i-dictate na lang ang quiz items.
- Hindi siya parang robot magpatupad ng mga panuto at patakaran. Nakikipag-usap siya sa'min habang nagki-quiz. Hindi rin siya ma-requirements pero may basehan naman kami ng grade at may natututunan sa klase at mga iyon ay tungkol sa mga isyung panlipunan na naparamdam niya sa'ming mas mahalaga pa sa mga bagay na intelektwal lang. Aaminin ko na minsan hindi ako nakikinig sa lektur niya. Madalas kong nahuhuli ang sarili kong nakatitig na lang sa kanya at ibang bagay na ang iniisip kasi hindi ko matiis ang pagkabagot sa mga sulatin ni JoMa Sison.
- Wala siyang pakialam sa sarili niyang copyright. Kapag isa-cite niya ang mga akda niya, may ekpresyon siyang parang nahihiya at may pangungutya sa sarili na ANKYUT-KYUT. Hindi niya pinopromote na bilhin namin ang libro niya at sa halip, sinasabing ipa-photocopy na lang iyon. Nang sinabi ng kaklase namin na may nakita siyang website na may piniratang kopya ng akda ni sir, nagulat lang si sir at tumawa.
- Ankyut niyang pumalpak. Noong una siyang nagpalabas ng video, ayaw mag-play ng video niya. Noong susunod na sinubukan niyang iparinig sa'min ang kantang Anak dahil ikokonekta niya sa binasa naming nobelang Ama, naghang yung laptop niya at nagpaulit-ulit yung tunog. Noong unang araw ng klase, hindi siya nakapasok, kahit katabi lang ng klasrum namin ang klase niya bago dun, dahil mali ang akala niyang schedule ng klase namin. Pagdating niya sa klasrum, wala nang tao.
- Allergic siya sa chalk, pero hindi siya nagrereklamo na pisarang de tisa ang meron kami sa silid-aralan. Gumagamit pa rin siya ng tisa, at siya mismo ang nagbubura ng mga sinusulat niya.
- Tutok siya sa'min noong Integrasyon. Naglakad siya nang malayo para lang icheck kung tunay ngang nasa bilihan kami ng halu-halo. Walang kaso sa kanyang sumabit sa jeep dahil hindi noong hindi siya kasya.
- May asawa siyang akademikong intelektwal rin at nakapag-aral rin sa ibang bansa. Bagay sila pati sa pisikal na anyo. Maganda si asawa. Hindi ko lang alam kung may anak sila. Sana meron.
Kung kasing edad ko lang sana siya at ano... HAHAHAHA JOKE LANG.

"May asawa siya..."
ReplyDelete</3
Anong name ni prof? Hahaha.
Ano ka ba! Hahaha. Ramon "Bomen" Guillermo. <3
Deleteomg nag-namedrop! <3 hihihi.
Deleteay mali pala yung pagkakagamit ko ng salitang "namedrop". hahaha basta alam mo na yun. :D
Delete